#1 π One week before the exam, Ihanda na NGAYON lahat ng dadalhin mo sa Linggo ng Pagsubok - VALID ID, Application Receipt OR Printed ONSA (Kung alin ang available sa'yo), Black Ballpens (Bawal ang sign pen, gel pen, at iba pang klase ng pen. Ball Point pen lang po, gaya ng ordinaryong ballpen Panda, Pilot, HBW, o Stabilo), Candies or Chocolates, Bottlled Water/ Any Beverage na nasa clear container, at relo - yung PLAIN, regular na relo.
#2 π Alamin kung saan ka mag-eexam. The Online Notice of School Assignment (ONSA) is now accessible through this link: http://enosa.csc.gov.ph/eNOSAv3/. Bisitahin mo na ang school venue mo para hindi ka na magkanda-ligaw-ligaw on the exam date at matantsa mo kung anong oras ka dapat bumyahe papunta sa exam venue sa Linggo. Hindi po sila nagpapapasok ng late.
#3 π Ihanda mo na ang susuotin mo. Magsuot ka ng damit na komportable para sa'yo maliban na lang sa sleeveless, shorts, at slippers.
#4 π Sa araw ng exam, AGAHAN mo sa exam venue. 8:00 to 11:10 ang exam pero kailangan nandoon ka na ng mga 7:00 AM kasi may iba pang papafill-upan sa'yo bago magstart ang exam. Tandaan na isasara na ang gates ng exam venue at 7:30 AM so AGAHAN MO.
#5 π Sa araw ng exam, mag-CR ka na bago magstart ang exam para hindi masayang ang limited time mo para mag-answer.
#6 π Hindi ka pwede magdala ng calculator pero pwede mo gamitin ang TEST BOOKLET bilang scratch paper mo. Wag mag-alangan sa pagsulat.
#7 π UBUSIN mo ang time mo. Kung matapos ka nang maaga, gamitin ang natira mong oras para ireview ang mga sagot mo.
#8 π Tandaan na isang beses ka lang pwede magpalit ng sagot PER ITEM. Para magpalit ng sagot, lagyan mo lang ng X ang nauna mong maling sagot tapos ishade mo yung FINAL ANSWER mo.
#9 π RELAX LANG. Kalma. Chill at ienjoy mo lang ang exam. Maniwala ka sa kakayanan mo. Go!! Fight!!
#10 π MAGDASAL. MAGDASAL habang nagrereview. MAGDASAL bago mag-exam. MAGDASAL habang nag-eexam. MAGDASAL pagkatapos ng exam. MAGDASAL lagi.
x
Comments
Post a Comment